2023 Bulacan Provincial Skills Competition

MAHUHUSAY NA BULAKENYO, HANDA SA PINAS, HANDA SA MUNDO!☝🇵🇭🌏
Isa po sa ipinagmamalaki natin sa Bayan ng Guiguinto ang pagkakaroon ng isang ahensya ng pamahalaan na nagpapanday ng kasanayan ng ating mga kabataan. Mapalad po tayo na ang Technical Education and Skills Development Authority o TESDA ay nasa Guiguinto at bukas sa lahat ng mga Bulakenyo na nais maging bahagi ng mga skills training na kanilang ibinibigay sa mga kabataan o sinumang naghahangad nito.
Nito lamang pong Miyerkules, binisita po natin ang TESDA para sa pagsasagawa ng 2023 Bulacan Provincial Skills Competition, isang paligsahan sa iba’t ibang kasanayan na masasabi po nating kahandaan din para sa magandang trabaho hindi lamang po sa Pilipinas kundi pati na rin sa buong mundo.
Congratulations po sa TESDA at sa lahat ng mga naging bahagi ng skills competition po na ito!☝
#KaagapaySaBuhay
#AgaysensongPamumuhay

Make an appointment

SMART: 0947-8973-348
GLOBE: 0917-7079-324

Regional Director: TONI JUNE A. TAMAYO

Address: Diosdado Macapagal Government Center, Maimpis, City of San Fernando, Pampanga Philippines

Copyright © 2012. Official Website of Technical Education and Skills Development - Central Luzon Office. All rights reserved.

Official Website of Technical Education and Skills Development