Bayanihan para sa edukasyon ng mga kapatid na KATUTUBO ng Sito Pisapungan. Sama-sama, tulong-tulong!


Bayanihan para sa edukasyon ng mga kapatid na KATUTUBO ng Sito Pisapungan. Sama-sama, tulong-tulong!
Walang pitong (7) ilog at anim (6) na oras na paglalakad ang magiging hadlang upang makapaghatid ng tulong at makapaglingkod sa mga taong higit na nangangailangan, ito ang tunay na kahulugan ng buhay at dahilan upang mabuhay.
Ang dalawang araw na Community-Based Training (CBT) sa Basic Entrepreneurship, Management of Breeder Bucks and Does at Produce and Plant Vigorous Seedlings na ginanap mula Sept. 16-17, 2021 na idinaos sa Sta. Juliana, Capas, Tarlac para sa mga kapatid na katutubo ay isa na naman pong di-matawarang dedikasyon at paglilingkod ng TESDA-CVS sa pamumuno ng acting administrator, Dr. Consolacion A. Talisik, isang taos pusong pasasalamat at pagpupugay po sa mga magigiting na learning facilitators ng Concepcion Vocational School na sina Mr. Carlos D. Mola at Mr. Felymark Fabian, tunay nga pong kayo ang mga tunay na buhay na bayani ng ating panahon, salamat po sa pagbibigay nyu ng karangalan at pangalan sa ating lipunan, tunay nga pong nakakaproud kayo. Ipinaaabot din po ng CVS ang kanyang pasasalamat sa Rotary Club of Midtown Tarlac sa pamumuno ni Pres. Angela A. Sambile at Past President/ Club secretary Joel M. Tiglao para sa hygiene kit, gamot at bed sheets para sa mga kapatid na katutubo, 31st Mechanized Infantry Company sa pamumuno ni Ginoong John Carlo Tabaculde at Ginang Shiela Mae Velasquez, P/MSg Heide Talabucon ng Capas PNP, 3rd Mechanized Infantry Battalion at ang komunidad ng Sitio Pisapungan na laging naka alalay mula pa sa unang araw ng training hanggang sa matapos ito. Ang inyo pong presensya ang nakapagpanatag po ng aming kalooban habang nasa liblib at malayong lugar ang mga lingkod ng TESDA-CVS.
Maraming paraan para makatulong, hindi na mahalaga kung gaano man ito kaliit o kalaki. Ang mas mahalaga ay ang kakayahan natin tumulong sa kapwa, lalong lalo na sa mga taong kapos sa lahat ng bagay. Ang pagtulong ay ating tungkulin hindi lang bilang kawani ng TESDA ngunit higit sa lahat, bilang mabuting lingkod ng Maylikha “Serving others is serving Him as well”.
#TESDA
#TESDAAbotLahat
#TeamWorkParaSaTESDATres

Make an appointment

SMART: 0947-8973-348
GLOBE: 0917-7079-324

Regional Director: TONI JUNE A. TAMAYO

Address: Diosdado Macapagal Government Center, Maimpis, City of San Fernando, Pampanga Philippines

Copyright © 2012. Official Website of Technical Education and Skills Development - Central Luzon Office. All rights reserved.

Official Website of Technical Education and Skills Development