Bilang isang mahalagang hakbang tungo sa ganap na rehabilitasyon at pagpapaunlad ng kasanayan
Bilang isang mahalagang hakbang tungo sa ganap na rehabilitasyon at pagpapaunlad ng kasanayan, matagumpay na naisagawa ang isang komprehensibong 10-araw na Skills Training sa AutoCAD at 3D Printing mula Setyembre 21 hanggang Oktubre 2, 2026, sa BJMP Bataan District Jail, Orani, Bataan.
Ang inisyatibong ito, na isinagawa sa pakikipagtulungan ng BJMP at pinamunuan ni Engr. Andres F. Cabalu, Center Administrator ng TESDA Regional Training Center Central Luzon (RTCCL) – Mariveles, ay naglalayong bigyan ng mataas at kapaki-pakinabang na teknikal na kasanayan ang 20 Persons Deprived of Liberty (PDL). Ang pagsasanay ay mahusay na pinangunahan ni Engr. Guio G. Feliciano, Trainer mula sa RTCCL Mariveles.
Bawat kasanayang natutunan ay isang hakbang pasulong. Bawat pagkakataong matuto ay isang pagkakataong magbago.
CLICK HERE:https://www.facebook.com/share/p/18jbNJ8ctb/
