Community-Based Training (CBT) na isinagawa sa Sitio Legua, Barangay Pinulot- Dinalupihan, Bataan

#PanaloSaPRLEC
#NoToDefunding
#SupportNTFELCAC
Muling pinatunayan ng TESDA Region III sa pangunguna ni Regional Director Balmyrson M. Valdez at Center Administrator Mr. Neil G. Santioque ng TESDA Regional Training Center-Mariveles, na ang TESDA ay Abot Lahat sa katatapos nitong Community-Based Training (CBT) na isinagawa sa Sitio Legua, Barangay Pinulot- Dinalupihan, Bataan noong Oktubre 26-29, 2021 para sa mga kapatid nating nagbalik-loob sa ating pamahalaan at kanilang mga kaanak (rebel returnees and their dependents). Ang TESDA ang unang ahensya ng Gobyerno na nakapagbigay tulong at nakapunta sa nasabing sitio.
Ang inilunsad na apat (4) na araw na pagbibigay kasanayan sa mga tinaguriang rebel returnees ay nagbukas ng bagong oportunidad sa apatnapu at tatlo (43) na benepisyaryo nito na kung saan nabigyan ng pagkakataon na matutunan at mapagkalooban ng mga sertipiko sa mga sumusunod na kasanayan: Produce Organic Concoction and Extracts, Raise Organic Chicken, Process Food by Pickling and Fermentation at Process Food by Sugar Concentration.
‚ÄúNapakalaking tulong po para sa aming mga nagbalik-loob at nagbalik-tiwala sa ating pamahalaan ang mga kaalamang inyong itinuro sa amin at sa aming pamilya. Ang TESDA pa lamang po ang nagkaroon ng initiative na kami ay pasyalan sa bulubunduking bahagi ng probinsya ng Bataan. Malaking ginhawa sa amin na ang aming mga pananim ay higit na makakapamunga sa mas magaan na pamumuhunan nang dahil sa organikong pamamaraan. Gayundin naman sa aming mga kalakal at aning ibinababa sa kabayanan, hindi na kami mangangamba na ang mga ito ay malabog, mabulok at mabili na lamang sa murang halaga dahil maaari na naming magamit ang food processing at preservation upang ang mga ito’y maibenta namin sa mas magandang halaga sa market” -Opisyales ng PaBaZa Farmers Association
#TESDA
#TESDAAbotLahat
#TeamWorkParaSaTESDATres

Make an appointment

SMART: 0947-8973-348
GLOBE: 0917-7079-324

Regional Director: BALMYRSON M. VALDEZ

Address: Diosdado Macapagal Government Center, Maimpis, City of San Fernando, Pampanga Philippines

Telephone No: (045) 455-3498

Fax No: (045) 445-3498

Email: region3[at]tesda.gov.ph

Copyright © 2012. Official Website of Technical Education and Skills Development - Central Luzon Office. All rights reserved.

Official Website of Technical Education and Skills Development