Graduation Day at pamimigay ng allowance sa mga scholars ng TESDA | September 23, 2022

Masayang idinaos ang Graduation Day at pamimigay ng allowance sa mga scholars ng TESDA sa Hacienda Angelita Nature Farm Training and Assessment Center Inc noong September 23 2022.
Ang 100 Graduate-Scholars ng High Quality in-bred Rice and Seed Certification and Farm Mechanization ay tumanggap ng 3,720.00 pesos na allowance bawat isa at ang 50 Graduate-Scholars naman sa kursong Animal Production (Ruminants) NC II ay tumanggap ng tig- 7,240.00 pesos.
Taos pusong pasasalamat ang ibinabahagi ng mga TESDA scholars. Ang ilan sa kanila ay may inaasahan na ring trabaho sa ibang bansa.
Nakibahagi rin sa programa si TESDA Bulacan Provincial Director Gerty Dizon-Pagaran at hinikayat ang mga graduates na gamitin ang kanilang skills sa pagpapalakas ng agriculture sector. Kasama rin sina Ms. Lea DR. Abaoag -Technology Management and Services Division Head ng PhilRice; Ma. Estrella Mercado ng Municipal Agriculturist ng San Rafael, Bulacan at pamunuan ng nasabing training center.
#TESDA
#TESDAAbotLahat
#TESDAScholars

Make an appointment

SMART: 0947-8973-348
GLOBE: 0917-7079-324

Regional Director: BALMYRSON M. VALDEZ

Address: Diosdado Macapagal Government Center, Maimpis, City of San Fernando, Pampanga Philippines

Telephone No: (045) 455-3498

Fax No: (045) 445-3498

Email: region3[at]tesda.gov.ph

Copyright © 2012. Official Website of Technical Education and Skills Development - Central Luzon Office. All rights reserved.

Official Website of Technical Education and Skills Development