Ika-122nd Anibersaryo ng Serbisyo Sibil sa Pilipinas

SERBISYO PUBLIKO SA PAGGUNITA NG ANIBERSARYO NG SERBISYO SIBIL
Sa ika-122nd anibersaryo ng serbisyo sibil sa Pilipinas, nagtulungan ang mga iba’t ibang ahensiya ng gobyerno, kabilang and TESDA, upang magbigay tulong sa mga mag-aaral at guro sa mga pampublikong paaralan dito sa Pampanga.
Aabot sa isang libong gamit pang-eskwela ang iniambag ng mga lingkod bayan at manggagawa sa gobyerno sa mahigit dalawampung ahensya dito sa Gitnang Luzon na ipinamahagi noong Setyembre 19, 2022 sa Camias Elementary School sa Porac, Mansgold Elementary School sa San Fernando, Abelardo Tinio Elementary School sa Angeles, Haduan Integrated School at Calapi Negrito Elementary School sa Mabalacat.
Ang programa ay pinangunahan ng Council of Human Resource and Management Practitioners (CHRMP)-National Government Agencies Region III at Civil Service Commission (CSC) Field Office Pampanga.
Sa gabay ng TESDA III rehiyong pantugot Balmyrson Valdez at rehiyong opisyal pangyamang-tao at pangulo ng CHRMP Ivan Lagman, pati na rin ang probinsyal patnugot ng CSC Pampanga Emily Reyes, matiwasay na naisagawa ang aktibidad.
#tesdar3hr
#TeamWorkParaSaTESDATres
#PCSA2022
#TESDAAbotLahat

Make an appointment

SMART: 0947-8973-348
GLOBE: 0917-7079-324

Regional Director: BALMYRSON M. VALDEZ

Address: Diosdado Macapagal Government Center, Maimpis, City of San Fernando, Pampanga Philippines

Telephone No: (045) 455-3498

Fax No: (045) 445-3498

Email: region3[at]tesda.gov.ph

Copyright © 2012. Official Website of Technical Education and Skills Development - Central Luzon Office. All rights reserved.

Official Website of Technical Education and Skills Development