
Isa na naman pong makabuluhang Community-Based Training sa Bread-Making ang isinagawa ng Concepcion Vocational School
Aug. 19, 2021: Isa na naman pong makabuluhang Community-Based Training sa Bread-Making ang isinagawa ng Concepcion Vocational School sa Maharlika Baptist Church, Brgy. San Antonio, Concepcion, Tarlac bilang tugon sa kahilingan ni Pastor Robert Roa Simbulan. Pangunahing layunin sa paglunsad ay upang madagdagan ang kaalaman ng mga kalahok sa pagluluto ng tinapay at sa kalayunan ay magiging kaagapay nila upang makatulong narin bilang pangkabuhayan.
Ang pagtugon ay sa pangunguna ng Acting Administrator ng CVS na si Dr. Consolacion A. Talisik, at ng Vocational Instruction Supervisor, Mr. Rico D. Briones. Sila Ms. Aileen T. Paz at Ms. Mary Grace Ocasion and naging trainer sa nasabing Community-based Training.
#TESDA
#TESDAbotLahat
#TeamWorkParaSaTESDATres