Isandaan at pitumpu’t walong (178) residente ng bayan ng Masinloc, Zambales ang nakatanggap ng kanilang National Certificates

Isandaan at pitumpu’t walong (178) residente ng bayan ng Masinloc, Zambales ang nakatanggap ng kanilang National Certificates sa kursong Carpentry NC II, Masonry NC II, Reinforcing Steel Works NC II at Scaffolding Works NC II noong Setyembre 23, 2022.
Sa pagtutulungan ng LGU Masinloc, SMC Global Power at ng TESDA Zambales, sumailalim ang mga nasabing residente sa pagsasanay na isinagawa sa Masinloc Training Facility, isang off-campus training facility ng Provincial Training Center-Iba.
Isinagawa ang paggawad ng mga National Certificates sa Municipal Building ng Masinloc, Zambales na dinaluhan nina Mayor Arsenia J. Lim, Municipal Councilors Hazel J. Lim at Aaron Eamilao, Masinloc PESO Manager Josephine P. Barcena at kanyang mga staff, Masinloc Power Partners Co. Ltd Plant Manager Roland Cabasa at Dr. Eugene I. Peñaranda bilang kinatawan ni TESDA Zambales Provincial Director Melanie Grace T. Romero na dumalo sa PTESDC kasabay ng nasabing programa.
Layunin nito na mabigyan ng oppotunidad and mga residente ng Masinloc, Zambales sa pamamagitan ng mga National Certificates na kanilang natanggap. Nagpasalamat ang TESDA Zambales sa patuloy na pagsuporta ng LGU Masinloc sa mga programa at adhikain ng TESDA.
#TESDA
#TESDAAbotLahat
#TeamWorkParaSaTESDATres

Make an appointment

SMART: 0947-8973-348
GLOBE: 0917-7079-324

Regional Director: BALMYRSON M. VALDEZ

Address: Diosdado Macapagal Government Center, Maimpis, City of San Fernando, Pampanga Philippines

Telephone No: (045) 455-3498

Fax No: (045) 445-3498

Email: region3[at]tesda.gov.ph

Copyright © 2012. Official Website of Technical Education and Skills Development - Central Luzon Office. All rights reserved.

Official Website of Technical Education and Skills Development