Isang araw ng pagbisita ni Mary Grace L. Ocasion ng TESDA-CVS sa Birthing Station o Paanakan sa bayan ng Concepcion


August 12, 2021: Isang araw ng pagbisita ni Mary Grace L. Ocasion ng TESDA-CVS sa Birthing Station o Paanakan sa bayan ng Concepcion, Tarlac na ang layunin ay upang maisakatuparan ng Concepcion Vocational School ang pagbibigay ng training na Barangay Health Services NCII para sa mga taong nais maging Barangay Health Workers. Ang nasabing pagbisita ay upang matiyak ang mga kagamitan, lugar at facilidad na kakailanganin sa training ay sapat at nasa maayos na kundisyon. Si Midwife Nila Mae Soriano ang gumabay at tumulong kay Ms. Ocasion sa paginspect ng mga kagamitan.
Sa tulong po ng local na pamahalaan ng Concepcion, Tarlac, sa pamumuno po ng kanyang butihing Mayor na si Hon. Andres D. Lacson at ni Dr. Raymond Valdez , punong tagapangasiwa sa pangkalusugan, ang pagtanggap po sa Concepcion Vocational School bilang kanilang magiging katuwang sa Barangay Health Services NC II training ay isang di matatawarang karangalan, di lamang pos a TESDA-CVS, ngunit higit sa lahat po, ay sa mga mamamayan ng bayan ng Concepcion at ng mga karatig lugar nito. Isa rin pong pasasalamat kay SB Carla Bautista na syang nagging tulay upang maidulog ang training sa local na pamahalaan.
#TESDA
#TESDAAbotLahat
#TeamWorkParaSaTESDATres

Make an appointment

SMART: 0947-8973-348
GLOBE: 0917-7079-324

Regional Director: TONI JUNE A. TAMAYO

Address: Diosdado Macapagal Government Center, Maimpis, City of San Fernando, Pampanga Philippines

Copyright © 2012. Official Website of Technical Education and Skills Development - Central Luzon Office. All rights reserved.

Official Website of Technical Education and Skills Development