Isang daan (100) ang nagsipagtapos ng Beauty Care Services (Nail Care) NC II

Pebrero 17, 2023 | Isang daan (100) ang nagsipagtapos ng Beauty Care Services (Nail Care) NC II sa ilalim ng TESDA Training for Work Scholarship Program (TWSP) na isinagawa ng Cabanatuan School of Beauty and Wellness, Inc., na idinaos sa Municipal Covered Court, Brgy. Platero, General Natividad, Nueva Ecija (75 nagsipagtapos) at Covered Court, San Juan ACCFA, Cabanatuan City, Nueva Ecija (25 nagsipagtapos).
Dinaluhan ito ng TESDA Nueva Ecija Direktor Elpidio Mamaril Jr. bilang suporta at pagpapahayag ng pasasalamat sa dedikasyong matapos ang training at maipasa ang mandatory assessment. Gayon din ang Congressman ng ikatlong Distrito, Cong. Rossana “Ria” Vergara ay dumalo din sa nasabing aktibidad na taos puso ang suporta at pagtulong sa mga mamamayan ng lungsod.
Sa pagtatapos ng programa, ang TESDA ay nagpamahagi ng scholarship allowances. Samantala, ang Cabanatuan School of Beauty and Wellness, Inc. sa pangunguna ni Ms. Diane Del Fonso katuwang si Cong. Vergara ay nagpamahagi starter toolkit.
#TESDAAbotLahat
#TESDAParaSaNovoEcijanos

Make an appointment

SMART: 0947-8973-348
GLOBE: 0917-7079-324

Regional Director: TONI JUNE A. TAMAYO

Address: Diosdado Macapagal Government Center, Maimpis, City of San Fernando, Pampanga Philippines

Copyright © 2012. Official Website of Technical Education and Skills Development - Central Luzon Office. All rights reserved.

Official Website of Technical Education and Skills Development