Kaalinsabay sa paggunita ng ika-27 taong anibersayo ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA)


Kaalinsabay sa paggunita ng ika-27 taong anibersayo ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ay muling nagsahimpapawid ng adbokasiya bilang pamamaraan at pagbibigay-alam sa taong bayan na ang mga programa ng TESDA at mga training centers sa lalawigan ay patuloy na maglilingkod at aalalay sa pagpapanday sa kasanayang teknikal sa kabila ng crisis na ating nararanasan dulot ng COVID19.
Ang himpilan ng Radyo Guagua, Pampanga (99.9FM) ang nagbigay opportunidad upang mailahad at maiparating sa buong rehiyon (Region III) ang mga kurso, benepisyo at mga kaparaanan kung paanu ang mga ito ay mapakikinabangan. Hangad ng programa na ipagbigay alam sa lahat na ang TESDA ay tunay na magiging kaagapay sa pangarap ng bawat nagnanais at nangangailangan ng serbisyo nito.
Sina Dr. Norman T. Buan-Sr. TESD Specialist mula sa Regional Training Center ng Bayan ng Mariveles at Career Ambassador ng TESDA Bataan, Engr. Aida I. Estacio-Supervising TESD Specialist at Center Administrator ng Provincial Training Center (PTC) ng Orion, Bataan, Mr. Marcos F. Fuerte-Sr. TESD Specialist na kapwa na nagmula sa PTC, Orion at TESDA Provincial Director Julie Ann D. Banganan, PhD., ng Lalawigan ng Bataan na kung saan tinagurian niya ang kanilang grupo na TEAM Bataan.
Sa huli ay pinasalamatan nito ang mga naging daan upang ang nasabing adbokasiya ay maisakatuparan: Kgg. Dante Torres – Municipal Mayor ng Guagua, Atty. Balmyrson M. Valdez-TESDA Regional Director, Atty. Eric O Ueda- TESDA Provincial Director ng Pampanga, Ms. Emily G. Feliciano-Supervising TESD Specialist at Center Administrator ng Provincial Training Center ng Guagua Pampanga, Mr. Andres Cabalu-Sr. TESD Specialist na nagmula rin sa PTC ng Guagua at sa napakahusay na tagapagpadaloy ng programa na si DJ EDNA.
TESDA
#TESDA
#TESDAAbotLahat
#TeamWorkParaSaTESDATres

Make an appointment

SMART: 0947-8973-348
GLOBE: 0917-7079-324

Regional Director: TONI JUNE A. TAMAYO

Address: Diosdado Macapagal Government Center, Maimpis, City of San Fernando, Pampanga Philippines

Copyright © 2012. Official Website of Technical Education and Skills Development - Central Luzon Office. All rights reserved.

Official Website of Technical Education and Skills Development