Kalayaan 2022 Trabaho Negosyo Kabuhayan Job and Business Fairs


Ika-12 ng Hunyo, 2022
Sa pag-gunita ng ika-124 ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas ay nagkaroon ng programa ang Probinsya ng Bulakan para sa mga Bulakenyo sa pangunguna ng Department of Labor and Employment at ng PYSPESO ng Bulakan na may temang: Kalayaan 2022 Trabaho Negosyo Kabuhayan Job and Business Fairs na idinaos sa Bulacan Capitol Gymnasium, City of Malolos, Bulacan.
Kasamang nakilahok ang mga graduates ng TESDA sa naturang Job Fair para makahanap ng magandang opotunidad na dala-dala ang napagtapusang skills training.
Kaanib ang TESDA sa pamumuno ni Sec. Isidro Lapeña na syang ikinatawan ni Regional Director Balmyrson Valdez-Region III at nang iba pang ahensya sa matagumpay na programang ito. Si G. Isidro Antonio Asper, isa sa mga Board Member ng TESDA ay nakilahok din sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa Bulacan.
Nagbigay ng Free Skills Demo ang TESDA para sa tatlong programang Alcohol Making, Dishwashing Liquid Making at Perfume Making para sa mga Bulakenyong interesadonv magsimula ng kanilang sariling pangkabuhayan.
Ang PYSPESO katuwang ang TESDA ay nagbigay ng free services para sa mga taong nagsipagdalo sa programa at ito ay ang mga Free Body Massage, Free Manicure at Free Haircutting.
Kasabay ng programa ay ipinagkaloob ng DOLE ang FreeBis at NegoKart sa mga kwalipikadong manggagawa para sa mga benepisyaryo nito na nasa Informal Sector.
Ang araw ng kalayaan ang naging daan sa pagbibigay ng bagong pag-asa sa bawat Bulakenyo sa tulong ng mga National Government Agencies at ng TESDA.
#tesda
#124thIndependenceDay

Make an appointment

SMART: 0947-8973-348
GLOBE: 0917-7079-324

Regional Director: BALMYRSON M. VALDEZ

Address: Diosdado Macapagal Government Center, Maimpis, City of San Fernando, Pampanga Philippines

Telephone No: (045) 455-3498

Fax No: (045) 445-3498

Email: region3[at]tesda.gov.ph

Copyright © 2012. Official Website of Technical Education and Skills Development - Central Luzon Office. All rights reserved.

Official Website of Technical Education and Skills Development