
Libreng Skills Training mula sa TESDA
Good news para sa mga taga Distrito Dos ng Bulacan! Magkakaroon pa ng mga karagdagang libreng skills training mula sa TESDA ang mga taga Baliuag, Bustos at Plaridel. Sa meeting na ginanap sa pagitan ni District 2 Cong. Ditse Tina Pancho at TESDA Bulacan Provincial Director Gerty Pagaran noong ika-5 ng Agosto, 2022, napag-usapan ang ilang mga skills training na akma para sa mga residente at batay na rin sa pangangailangan ng mga industriya sa nasabing Distrito.
#TESDAAbotLahat
#TESDA
#TeamWorkParaSaTESDATres
#tesdabulacan