Mas Mapalakas pa ang Paghahatid ng Skills Training sa mga nasasakupan ng District 5

4 Agosto 2022 | Nagpulong sina TESDA Bulacan Provincial Director Gerty Dizon-Pagaran at District 5 Congressman Ambrosio “Boy” Cruz, Jr. upang mas mapalakas pa ang paghahatid ng skills training sa mga nasasakupan ng District 5. Kasama rin sa nasabing meeting sina Ms. Jovita Lopez, Supervising TESD Specialist ng PO-Bulacan at ang mga kinatawan ng PESO na sina Mr. Marlon Jay D. Laylay (PESO Balagtas); Ms. Emelita San Agustin (PESO Guiguinto); Mr. Felman Mark Torres (PESO Pandi); and Ms. Lani Aguacito (PESO Bocaue).

Ilan sa mga programang napag-usapan ay ang pagpapalakas ng sektor ng Construction gayundin skills training para sa mga TUPAD beneficiaries tulad ng Food and Beverage Services NC II, Housekeeping NC II, Bartending NC II, Barista NC II. Inaasahan na ang mga training na ito ay magiging malaking tulong para sa mga TUPAD Beneficiaries na makapanimula ng kanilang trabaho at pangkabuhayan.

Kasama rin sa meeting sina Chief Political Affairs Office G. Rex M. Mangalindan at G. Aris Cruz mula sa Archers Realty Corp.

#TESDA
#TESDAAbotLahat
#TeamWorkParaSaTESDATres
#tesdabulacan

Make an appointment

SMART: 0947-8973-348
GLOBE: 0917-7079-324

Regional Director: TONI JUNE A. TAMAYO

Address: Diosdado Macapagal Government Center, Maimpis, City of San Fernando, Pampanga Philippines

Copyright © 2012. Official Website of Technical Education and Skills Development - Central Luzon Office. All rights reserved.

Official Website of Technical Education and Skills Development