Nagsagawa ng paglilinis noong Setyembre 16, 2022 ang mga empleyado at mga iskolar ng Provincial Training Center – Orion

“Protektahan ang ating Kapaligiran, dahil ang Kalikasan ay kaakibat ng Kalusugan”
Nagsagawa ng paglilinis noong Setyembre 16, 2022 ang mga empleyado at mga iskolar ng Provincial Training Center – Orion bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng International Coastal Clean-up (ICC) Day sa imbitasyon ng Pamahalaan ng Orion Bataan.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ni Engr. Aida I. Estacio, ang Center Administrator ng PTC Orion. Masayang nakilahok ang mga mag-aaral sa paglilinis ng tabing-ilog sa likuran ng Provincial Training Center at sa harap na dalampasigan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resource (BFAR) sa Wawa Pag-asa.
Layunin ng isinagawang pagkikilos na mapaangat ang kamalayan ng mga mamayan upang mapangalagaan ang karagatan at mahikayat ang bawat tao na iwasang magtapon ng anumang uri ng basura sa mga baybayin.
#TeamWorkParaSaTESDATres
#TESDAAbotLahat
#TESDA

Make an appointment

SMART: 0947-8973-348
GLOBE: 0917-7079-324

Regional Director: TONI JUNE A. TAMAYO

Address: Diosdado Macapagal Government Center, Maimpis, City of San Fernando, Pampanga Philippines

Telephone No: (045) 455-3498

Fax No: (045) 445-3498

Email: region3[at]tesda.gov.ph

Copyright © 2012. Official Website of Technical Education and Skills Development - Central Luzon Office. All rights reserved.

Official Website of Technical Education and Skills Development