Skip to main content

Nakiisa ang TESDA-GPSAT sa Pugay sa Tagumpay Caravan para sa mga Benepisyaryo ng 4Ps!

Nakibahagi ang TESDA–Gonzalo Puyat School of Arts and Trades (GPSAT) sa Pugay sa Tagumpay Caravan para sa mga Benepisyaryo ng 4Ps na ginanap noong Oktubre 7, 2026, sa Miss Earth Park, Candaba, Pampanga, katuwang ang Candaba LGU/MSWDO.
Bilang bahagi ng aktibidad, nagsagawa ang TESDA-GPSAT ng career guidance at orientation upang ipakilala sa mga benepisyaryo ang iba’t ibang programa ng TESDA, pagsasanay sa kasanayan, assessment at sertipikasyon, at mga oportunidad para sa kabuhayan.
Layunin nitong makatulong sa mga benepisyaryo na linangin ang kanilang mga kasanayan, makahanap ng trabaho, at magkaroon ng matatag at pangmatagalang pagkakakitaan.
Basta’t sama-sama, #SaTESDAKayangKaya !
 
Official Website of Technical Education and Skills Development