Pagbisita sa mga Technical Vocational Institutions (TVIs)

Alinsunod sa direktiba mula kay TESDA Secretary Suharto Teng Mangudadatu, bumisita si PD Melanie Romero kasama si Ms. Catherine Santos, UTPRAS Focal, sa mga Technical Vocational Institutions (TVIs) sa Bulacan upang magsagawa ng ocular inspection.
Ang pagbisita sa mga TVIs ay isang positibong hakbang para mapabuti ang kalidad ng edukasyon at pagsasanay sa larangan ng teknikal at vocational sa ating bansa. Dagdag dito, isa rin sa mga layunin ng TESDA Bulacan ang tiyakin na ang mga TVIs ay sumusunod sa mga patakaran at regulasyon ng TESDA, at patuloy na naaangkop ang kanilang training sa pangangailangan ng mga industriya.
Matapos ang inspeksyon, nagpahayag ng pasasalamat si PD Romero sa mga TVIs para sa kanilang pakikipagtulungan sa TESDA upang magbigay ng dekalidad na teknikal at vocational na edukasyon sa bansa. Nagbigay rin ng feedback at rekomendasyon si PD Romero sa mga TVIs upang tukuyin ang mga aspeto na kanilang kinakailangang ayusin upang mapabuti ang kanilang mga inihahandog na training courses.
#SaTESDALingapAyMaasahan

Make an appointment

SMART: 0947-8973-348
GLOBE: 0917-7079-324

Regional Director: TONI JUNE A. TAMAYO

Address: Diosdado Macapagal Government Center, Maimpis, City of San Fernando, Pampanga Philippines

Copyright © 2012. Official Website of Technical Education and Skills Development - Central Luzon Office. All rights reserved.

Official Website of Technical Education and Skills Development