Parangal bilang pagkilala sa natatanging kontribusyon sa kinabukasan at tagumpay ng mga kababayan ” CABALENS” sa Concepcion, Tarlac
Oct 25, 2021:
Ang TESDA Concepcion Vocation School sa pamumuno ng Vocational School Administrator, Dr. Consolacion A. Talisik kasama ang Vocational Instruction Supervisor na si Mr. Rico D. Briones ay naanyayahan ng butihing Alkalde ng Bayan ng Concepcion, Hon. Andres Lacson upang igawad ang parangal bilang pagkilala sa natatanging kontribusyon sa kinabukasan at tagumpay ng mga kababayan ” CABALENS” sa Concepcion, Tarlac.
Salamat po sa binigay na oportunidad sa CVS upang maging kasangkapan sa pagbibigay libreng edukasyon sa ating mga kababayan. Mabuhay po ang CVS! Mabuhay po ang Bayan ng Concepcion!
Mabuhay mga Cabalens!
#TESDA
#TESDAAbotLahat
#TeamWorkParaSaTESDATres
