Poverty Reduction Livelihood and Employment Cluster o PRLEC

#PanaloSaPRLEC
NORZAGARAY, Bulacan (PIA) — Muling nakapagtinda ng kanilang aning produkto ang mga katutubong Dumagat ng sito Sapang Munti, barangay San Mateo sa Norzagaray, Bulacan.
Ito ay matapos isagawa ng Poverty Reduction Livelihood and Employment Cluster o PRLEC ng Provincial Task Force to End Local Communist Armed Conflict ang ikalawang Agri-Aqua Market Day.
Ayon kay Technical Education and Skills Development Authority Provincial Director at Provincial PRLEC Head Jovencio Ferrer Jr., nailalapit nila sa potensyal na merkado ang mga aning produkto ng mga Dumagat kabilang ang mga sikat na mall at establisyimento.
Target ng grupo na magkaroon ng market day tatlong beses kada buwan mula sa 2.3 ektaryang taniman ng gulay maliban pa sa backyard gardening ng mga katutubo.
Kabilang sa mga aning gulay na agad binili ng mga buyer ang 41 kilong saging na saba, 5 kilong saging saba kosta, 28 kilo ng saging tordang pute, 5 kilong saging tordang tunay, 20 tali ng tanglad, 12 tali ng sitronella, 30 kilo ng kalabasa, 9 na kilo ng siling pan-sigang, okra, sitaw at may lagpas 20 kilo na talong.
May naibenta rin mga gawang kamay na pangdekorasyon sa bahay mula sa mga putol-putol na sanga ng puno.
Umabot sa 51,245 piso ang kabuuang naibenta mula sa aning gulay, rootcrops at assorted handicrafts.
Layunin ng proyektong Kabalikat sa Kabuhayan at Kaunlaran ng PRLEC na bigyan ng pangmatagalang kabuhayan ang mga katutubo upang hindi mahikayat ng umanib sa mga komunistang terorista. (CLJD/VFC-PIA 3)
#TESDA
#TESDAAbotLahat

Make an appointment

SMART: 0947-8973-348
GLOBE: 0917-7079-324

Regional Director: BALMYRSON M. VALDEZ

Address: Diosdado Macapagal Government Center, Maimpis, City of San Fernando, Pampanga Philippines

Telephone No: (045) 455-3498

Fax No: (045) 445-3498

Email: region3[at]tesda.gov.ph

Copyright © 2012. Official Website of Technical Education and Skills Development - Central Luzon Office. All rights reserved.

Official Website of Technical Education and Skills Development