Produce Organic Concoctions and Extracts leading to Organic Agriculture Production NCII


Ang Poverty Reduction Employment and Livelihood Cluster (PRLEC) sa pangunguna ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ng lalawigan ng Bataan ay naglunsad ng mga programang hindi lamang upang magkaroon ng kasanayan bagkus ay maging daan upang magkaroon ng dagdag pagkakakitaan ang mga beneficiary nito at masiguro na ang bawat tahanan ay may maihahain sa bawat hapag kainan.
Minsan pa, pinatunayan ng Sentrong Sanayan ng Mariveles (Regional Training Center- Mariveles) sa pangunguna ng Center Administrator na si Neil G. Santioque at extension program coordinator nito, na ang TESDA , Abot Lahat! Na upang maihatid at makapagbigay kasanayan sa ating mga kapatid na katutubo na Magbukun at mga pamilya nito, sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan ng Bayan ng Mariveles ay napagtagumpayan at napakinabangan ang unang kasanayan ang Produce Organic Concoctions and Extracts leading to Organic Agriculture Production NCII na isinagawa sa loob ng walong (😎 araw (July 9-24, 2021). Ang pagsasanay ay ginawa, tatlong araw sa loob ng isang linggo bilang pagtugon sa mga kahilingan ng mga beneficiary at pagsasaalang-alang sa kanilang mga gampanin.
Bukod pa rito, habang ang mga nagawang concoctions at extracts na kanila ng magagamit bilang pamatay kulisap, at panghalong sangkap bilang abono sa kanilang mga pananim, inilunsad na rin noong ika 31 ng Hulyo hanggang ika-2 ng
Agosto ang Entreprenuerial Training sa mga nasabing magaaral na ang pangunahing hangarin ay magabayan ang grupo ng mga katutubo sa kanilang naisin na makapagsimula ng isang maliit na negosyo na kung saan napakinabanagan ang kanilang mga natutunan kung paanu maging hitik at mabunga ang kanilang mga pananim sa pamamagitan ng mura na at ligtas pang pamamaraan.
Ang nasabing programa ay isa lamang sa mga adhikain ng TESDA na pinamumunuan ni Sec. Isidro S. Lapeña at ang Regional Director ng Region 3 na si Atty. Balmyrson M. Valdez na sa pamamagitan ng PRLEC sama-sama nating maipapararating ang serbisyong higit sa kasayan, pagdadamayan.
Labing apat (14) ang beneficiary ng nasabing programa na kung saan ang ang ginawang pagpili sa mga beneficiary ay ginampanan ng lokal na pamahalaan ng Mariveles at ng Pamunuan ng Tribong Magbukon.
TESDA
#TESDA
#TESDAAbotLahat
#TeamWorkParaSaTESDATres

Make an appointment

SMART: 0947-8973-348
GLOBE: 0917-7079-324

Regional Director: TONI JUNE A. TAMAYO

Address: Diosdado Macapagal Government Center, Maimpis, City of San Fernando, Pampanga Philippines

Copyright © 2012. Official Website of Technical Education and Skills Development - Central Luzon Office. All rights reserved.

Official Website of Technical Education and Skills Development