Skip to main content

Sa Bawat Post, May Pananagutan: TESDA REGION III – Pinalakas ang kasanayan sa Wasto at Responsableng Pagbabahagi ng Impormasyon

Pinalakas ang Kasanayan sa Wasto at Responsableng Pagbabahagi ng Impormasyon sa pamamagitan ng Social Media Production Training para sa mga Information Officers, na isinagawa noong Setyembre 29, 2026, sa pakikipagtulungan sa Philippine Information Agency (PIA) Regional Office III. Dumalo sa pagsasanay ang 21 Information Officers mula sa TESDA Region III, kung saan tinalakay ni Ms. Jag Lyra D. Costamero, Information Officer III ng PIA Regional Office III, ang Producing Social Media Cards, habang ibinahagi naman ni Mr. Carlo Lorenzo J. Datu, Assistant Regional Director ng PIA Regional Office III, ang mahahalagang kaalaman tungkol sa Blurb-Style Social Media Captioning and Producing Engaging Reels.

Sa panahon ngayon na mabilis kumalat ang fake news at maling impormasyon sa social media, mahalagang matibay ang pundasyon ng bawat impormasyong inilalabas online. Hindi lamang dapat kapansin-pansin at engaging ang isang post—higit sa lahat, kailangan itong nakabatay sa tama, beripikado, napapanahon, at mapagkakatiwalaang impormasyon. Bawat post ay may kaakibat na responsibilidad na magbigay ng wastong impormasyon at makatulong na maiwasan ang pagkalat ng maling balita.
Sa pamamagitan ng inisyatibang ito, patuloy na hinahasa ng TESDA Region III ang 21 Information Officers nito upang maging mas mahusay sa pagbibigay ng impormasyon, pakikipag-ugnayan, at paghikayat sa publiko nang may pananagutan—sapagkat sa bawat post, caption, larawan, at video, may pagkakataong magbigay ng tamang impormasyon, magbigay-inspirasyon, at bumuo ng tiwala.
 
Official Website of Technical Education and Skills Development