Skip to main content

TESDA Region III at NICA Region III, nagtulungan para palakasin ang kamalayang pangseguridad

Mas pinaigting ng TESDA Region III at National Intelligence Coordinating Agency (NICA) Region III ang kanilang pagtutulungan upang mapalakas ang security awareness and preparedness ng mga kawani laban sa iba’t ibang banta sa seguridad.
Sa isinagawang pagpupulong, tinalakay ng dalawang ahensya ang mga hakbang upang maprotektahan ang sensitibong impormasyon ng pamahalaan at matiyak ang mas ligtas na kapaligiran sa mga tanggapan at pasilidad ng TESDA.
Kabilang sa mga pangunahing tinalakay ang planong Security Awareness Seminar (SAS) na magbibigay-kaalaman sa mga kawani tungkol sa security threats, counterintelligence, insider threats, at wastong paghawak ng sensitibong impormasyon.
Napag-usapan din ang pagsasagawa ng Security Survey and Inspection (SSI) sa mga piling pasilidad ng TESDA Region III upang matukoy ang mga posibleng security risks at makapagpatupad ng angkop na hakbang para sa kanilang seguridad.
Dumalo sa pagpupulong sina TESDA Region III Regional Director Atty. Balmyrson M. Valdez, Acting ROD Chief Liwayway D. Calaguas, at mga kinatawan ng NICA Region III.
Sa pamamagitan ng patuloy na koordinasyon at pagtutulungan, layunin ng TESDA Region III at NICA Region III na higit pang mapalakas ang kamalayan, kahandaan, at pananagutan ng mga kawani sa pagpapanatili ng seguridad at pagprotekta sa sensitibong impormasyon ng pamahalaan.
 
 
 
Official Website of Technical Education and Skills Development