
TESDAmayan Relief Operations
Mabilis na pagtulong sa pamamagitan ng TESDAmayan relief operations, ipinaabot sa mga nasalanta ng bagyong Karding
Nagtungo ang TESDA Bulacan sa mga kapatid nating Dumagat na binubuo ng 30 pamilya mula sa Sitio Ipo, Barangay San Mateo, Norzagaray, noong September 27, 2022 at namahagi ng Food Packs. 30 kabataan rin ang nakatanggap ng kiddie food packs.
Ang mga food packs ay nagmula sa pinagsama-samang donasyon ng mga training centers at TESDA Provincial Office. Bigas, canned goods, boiled eggs, noodles, bottled water, at tinapay. Pinangunahan ng TESDA Bulacan Provincial Office sa pamumuno ni Provincial Director Gerty Pagaran ang TESDAmayan Relief Operations kaagapay ang mga Center Chiefs na sina Rheo Henry Rodriguez, ng Regional Training Center Central Luzon Guiguinto; Gilbert Castro ng Provincial Training Center Calumpit; at Kathrine Angeles, ng TESDA KorPhil IT Training Center; Edgardo Santiago, Presidente ng Bulacan Association Technical Vocational School (BATVS); Journel Monton, opisyal ng BATVS at Luis Bausa ng Bausa Integrated Farm and Training Center.
Lubos ang pasasalamat ni TESDA Bulacan Provincial Director Pagaran sa mga tulong na ipinaabot ng mga Training Centers ng Bulacan: ATEC, JBM, College of St. Ignatius of Bulacan; JEDC; Hacienda Angelita Nature Farm Training and Assessment Center; Richwell Colleges; ATEC Technological College; Angel Tolits; Munting Paraiso ni Yolly; Duran Farm Agribusiness Training Center; at Bulacan Agricultural Training Center Inc.
#TESDAmayan
#TESDAAbotLahat