TESDAMAYAN sa Aurora


Noong ika-4 ng Agosto, ang TESDA Aurora at Provincial Training Center – Baler, sa pangunguna ng Provincial Director, GENARO RONALD C. IBAY, ay dumamay sa kababayang napinsala ng sunog.
Ang mag-amang GILBERT DIGNO ng Purok Sais, Brgy. Reserva, Baler, Aurora, ay nasunugan madaling araw noong ika-28 ng Hunyo. Sa kasag-sagan ng malakas na hangin, mabilis na natupok ng apoy ang kanilang bahay. Sapagkat wala ding tubig at malayo sa mga kapit bahayan, kung kayat walang naasahang agarang tulong ng mga oras na iyon. Ang mag-ama ay walang naisalbang gamit. Mapalad sila na walang nasaktan. Ang TESDA ay naghatid ng kulambo, banig, mga pinggan, baso, kubyertos, kaldero, kaserola, mga damit at pagkain. Ang mga gamit ay ipinagkaloob upang makatulong sa mag-ama.
Ang pagtulong na ito ay alinsunod sa direktiba ni Secretary Isidro S. Lapeña na pagtulong ng Ahensya sa mga komunidad o pamayanan na napinsala ng kalamidad, sakuna at iba pang kapahamakan, o ang banner program na “TESDAMAYAN”

Make an appointment

SMART: 0947-8973-348
GLOBE: 0917-7079-324

Regional Director: TONI JUNE A. TAMAYO

Address: Diosdado Macapagal Government Center, Maimpis, City of San Fernando, Pampanga Philippines

Copyright © 2012. Official Website of Technical Education and Skills Development - Central Luzon Office. All rights reserved.

Official Website of Technical Education and Skills Development