TESDAmayan sa Dingalan | October 12, 2022

Nagpaabot ng tulong na relief goods sa mga nasalanta ng bagyong Karding sa Dingalan ang TESDA Aurora kasama ang TESDA Region II at ang Aurora Association of Technical Vocational Institutions Inc. (AATVI), nakaraang ika-7 ng Oktubre, 2022.
Ang mga relief goods ay ibinigay sa Local Governement Unit (LGU) ng Dingalan, na pinamumunuan ni Mayor Sherwin H. Taay, upang sila ang mamahala sa pagbibigay nito sa 200 pamilya na naapektuhan sa naturang bayan.
Nagpaabot din ng tulong na pam-pinansyal ang grupo para sa mga karagdagang pangangailangan ng mga nasalanta.
Pinangunahan ni OIC Provincial Director Cylie Amor G. Litao at ang grupo mula sa TESDA Aurora. Ang AATVI naman ay nirepresenta ni Ms. Junely S. Moises, ang school administrator ng Dingalan Technical Vocational School Inc. at Secretary ng AATVI.
Ang grupo mula TESDA Region II ay pinangunahan ni Regional Director Archie A. Grande, kasama ang Quirino Province Provincial Director Genaro Ronald C. Ibay, at ang Quirino Technical Vocational Association.
#TESDA
#TESDAAbotLahat
#TeamWorkParaSaTESDATres
#TESDAAurora

Make an appointment

SMART: 0947-8973-348
GLOBE: 0917-7079-324

Regional Director: BALMYRSON M. VALDEZ

Address: Diosdado Macapagal Government Center, Maimpis, City of San Fernando, Pampanga Philippines

Telephone No: (045) 455-3498

Fax No: (045) 445-3498

Email: region3[at]tesda.gov.ph

Copyright © 2012. Official Website of Technical Education and Skills Development - Central Luzon Office. All rights reserved.

Official Website of Technical Education and Skills Development