
Trabaho Negosyo Kabuhayan (TNK) Fiesta Caravan Job and Business Fair (Local and Overseas Employment)
Isinagawa ang Trabaho Negosyo Kabuhayan (TNK) Fiesta Caravan Job and Business Fair (Local and Overseas Employment) sa Bulacan Capitol Gymnasium sa Malolos, Bulacan noong September 13, 2022 sa pamumuno ni Gov. Daniel Fernando at Vice Gov. Alex Castro. Ito ay bahagi ng pagdiriwang ng Singkaban Festival.
Nakibahagi rin ang TESDA Bulacan sa pamumuno ni Dir. Gerty Pagaran sa pagdiriwang na ito at ipinaalam sa mga job seekers ang mahalagang papel ng TESDA para sa multiskilling at retooling ng mga skilled workers sa pamamagitan ng libreng skills training ng ahensya. Nakasama nya rin sa activity ang ilan sa mga PESO managers ng Bulacan. Ipinahatid nya rin ang pagbati ni TESDA Director General Danilo P. Cruz at Regional Director Balmyrson Valdez.
#TESDABulacan
#TESDAAbotLahat
#TeamworkParaSaTESDA