TRABAHO NGAYON. PAMANTAYAN NGAYON. KAHUSAYAN PARA SA BUKAS!
Hindi kailangang lumayo para matuto—dahil ang pinakamagandang lugar para matuto at mahasa ay maaari ring mismong lugar ng trabaho!
Noong Setyembre 14, 2026, nagsama-sama ang TESDA–Gonzalo Puyat School of Arts and Trades (GPSAT), sa pangunguna ni Dr. Alvin G. Sagum, Vocational School Administrator, Victoria B. Lugtu, FBS Trainer, ang Clark Development Corporation (CDC), at ang Midori Clark Hotel and Casino para sa isang hands-on Food and Beverage Services Training para sa mga empleyadong Food Service Attendants.
Sa pamamagitan ng aktuwal na pagsasanay sa kanilang lugar ng trabaho, pinahusay ng mga kalahok ang kanilang mga kasanayan sa Grooming, hygiene, sanitation, at food safety, Table setting at tamang paghawak ng tableware, Guest greeting, seating, order-taking, at service etiquette, Beverage service at pag-asikaso sa guest requests, Wastong paghawak ng guest concerns at complaints at Clearing, resetting, at end-of-service procedures
Hindi lamang kaalaman ang natutuhan—isinabuhay at isinagawa mismo ang mga kasanayan sa aktuwal na serbisyo.
Ang resulta? Mas mahusay. Mas kumpiyansa. Mas handa.
Dahil ang bawat araw ng trabaho ay isang pagkakataon upang matuto, humasa, at maabot ang pamantayang kinikilala sa industriya.
MULA SA LUGAR NG TRABAHO, TUNGO SA PAMBANSANG PAMANTAYAN!
CLICK HERE:https://www.facebook.com/share/p/1C7184cUUd/
