Training for Work Scholarship Program (TWSP)

Dalawampu’t dalawang (22) iskolar sa kursong Barangay Health Services NC II ng Provincial Training Center Iba sa ilalim ng programang Training for Work Scholarship Program (TWSP) ang sumailalim sa Supervised Industry Learning (SIL) sa tatlong (3) Barangay Health Stations sa bayan ng Iba, Zambales kabilang ang barangay Dirita-Baloguen, Bangantalinga at Lipay Dingin Panibuatan noong September 20-27, 2022.
Ang mga nasabing iskolar ay sasailalim sa hands-on na pagsasanay bilang mga barangay health workers sa loob ng apatnapung (40) oras alinsunod sa mga alintuntunin ng TESDA Circular No. 89, s. 2019 re: Implementing Guidelines for Supervised Industry Learning (SIL). Ang programang ito ay naglalayung patibayin at palawakin ang kasanayan ng mga iskolar sa pamamagitan ng aktwal na pagsasanay sa mga partner industries o kompanya.
Sa pangunguna ni PTC Iba Center Administrator Eugene I. Peñaranda, Training Instruction Supervisor Jonathan A. Alvior at BHS NC II Trainer Genalyn R. Balingit katuwang ang mga barangay officials at barangay health stations staff at personnel ay matagumpay na naisagawa ang nasabing Supervised Industry Learning (SIL).
#TESDA
#TESDAAbotLahat
#TeamWorkParaSaTESDATres

Make an appointment

SMART: 0947-8973-348
GLOBE: 0917-7079-324

Regional Director: TONI JUNE A. TAMAYO

Address: Diosdado Macapagal Government Center, Maimpis, City of San Fernando, Pampanga Philippines

Telephone No: (045) 455-3498

Fax No: (045) 445-3498

Email: region3[at]tesda.gov.ph

Copyright © 2012. Official Website of Technical Education and Skills Development - Central Luzon Office. All rights reserved.

Official Website of Technical Education and Skills Development