Libreng Kasanayan at Pamaskong Handog ibinahagi ng TESDA Nueva Ecija

Ang TESDA Nueva Ecija ay nagsagawa ng isang pagsasanay o Community-Based Training Program (CBTP) sa Dishwashing Liquid Making, na pinangunahan ng Direktor ng probinsya Elpidio Mamaril Jr., kasama ang Supervising TESD Specialist Raquel Baluyot at CTEC Focal Yani Mucthar Agbayani sa Brgy. Fatima, Pantabangan, Nueva nuong ika-29 ng Disyembre, 2022.
Dalawampu’t tatlo (23) ang naging benepisyaryo sa nasabing aktibidad. Sa pangunguna ng presidente ng JVF Center for Technical Studies and Assessment, Inc., Janette V. Fernando, matagumpay na nailunsad ang pagsasagawa ng pagsasanay.
Sa pagtatapos ng programa, nagpamahagi rin ng pamaskong handog ang TESDA Nueva Ecija at kit para sa Dishawashing Liquid Making para sa pangunang pangkabuhayan sa Brgy. Fatima at Brgy. Sampaloc, Pantabangan, Nueva Ecija.
#TESDAAbotLahat
#TESDAParaSaNovoEcijanos

Make an appointment

SMART: 0947-8973-348
GLOBE: 0917-7079-324

Regional Director: TONI JUNE A. TAMAYO

Address: Diosdado Macapagal Government Center, Maimpis, City of San Fernando, Pampanga Philippines

Copyright © 2012. Official Website of Technical Education and Skills Development - Central Luzon Office. All rights reserved.

Official Website of Technical Education and Skills Development